Default Thumbnail

2-anyos nabulunan sa jelly candy, patay

May 4, 2021 People's Tonight 267 views

ISANG dalawang taong gulang na lalaki ang namatay matapos umanong makalulon ng isang buong jelly candy sa Davao Oriental.

Ayon sa ABS-CBN News, naisugod pa ang bata sa St. Camillus Hospital kung saan natanggal ang kending nakabara sa lalamunan habang nasa emergency room.

Ngunit binawian din ang bata at nawala ng hininga bago ukano mailipat sa ward.

Ayon sa ABS-CBN News, nasa trabaho ang ina ng bata nang mangyari ang insidente. Ang biktima ay naiwan sa pangangalaga ng lola nito.

Sinabi sa TV news na gumuho ang ina ng bata sa biglaang pagkawala ng kanyang anak na kanyang inilarawan na mabait at malambing.

Ililibing ang batasa Mayo 8. Tonight monitor

AUTHOR PROFILE