Mariano

148 suspek sa krimen timbog sa SPD

September 5, 2023 Edd Reyes 425 views

UMAABOT sa 148 na suspek sa iba’t-ibang krimen ang nasakote ng mga pulis ng Southern Police District (SPD) sa loob lang ng isang linggo.

Ayon kay SPD Director P/BGen. Roderick Mariano, simula noong Agosto 28 hanggang Setyembre 3, 2023, umabot sa 63 suspek sa mga krimen ang kanilang nadakip na nagresulta sa pagkakakumpiska sa may 690 gramo ng marijuana at 121,14 gramo ng shabu na may kabuuang halagang P906,552.22.

Malinaw na paghahatid ng mensahe sa publiko ang puspusang operasyon ng pulisya sa SPD na mas ligtas na ang mga lansangan sa ngayon kumpara sa mga nagdaang panahon.

Hindi rin pinaligtas ng kapulisan maging ang mga sangkot sa ilegal na sugal matapos umabot sa 52 ang kanilang nadakip na naging daan sa pagkakakumpiska sa P8,496.75 na bet money o taya.

Umabot naman sa walong indibiduwal ang nahuli sa ilegal na pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril habang apat ang boluntaryong nagsuko ng kanilang baril na hindi na napa-lisensiyahan.

Nang ipairal naman ang gun ban, dalawa kaagad ang nahuli sa ikinasang Oplan Sita sa Las Pinas City.

Sa pagtugis sa mga wanted sa batas, 23 ang nadakip, kabilang dito na ang apat na nasa talaan ng top most wanted individuals.

AUTHOR PROFILE