PCG rescuer nalunod habang may sinasagip
PATAY ang isang rescurer ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tangayin ng malakas na alon sa kasagsagan ng rescue operation sa La Union nitong Martes ng umaga.
Nakilala ang biktima na si CG Petty Officer third class Ponciano Nesperos, miyembro ng Special Operations Group- North Western Luzon (SOG-NWLZN).
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard of PCG, naganap ang insidente nitong Martes ng umaga sa Sitio Daeng, Barangay Halog East, Tubao , La Union.
Rumespobde umano ang grupo ng biktima sa isang drowning incidentsa lugar sa kasagsagan ng masamang lagay ng panahon.
Pagdating sa lugar, dahan-dahan umanong tinawid ng biktima sa ilog para siguruhing ligtas at maayos ang kanilang ‘safety line” subalit nawalan siya ng balanse at tuluyang tangayin ng rumaragasang tubig sa ilog.
Sinubukan pang iligtas ang biktima subalit wala na siyang malay nang ma-recover ng PCG-SAR
Dinala ang biktima sa La Union Medical Center subalit idineklara siyang dead on arrival ng mga doctor.
Agad itong ipinagbigay-alam ng PCG sa kanyang mga mahal sa buhay at patuloy ang koordinasyon upang maibigay ang kinakailangang tulong para sa kanila.
Nakikiramay din ang buong PCG sa naulilang pamilya ni CG PO3 Nesperos na hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay piniling isakatuparan ang sinumpaang tungkulin sa bayan.