PRC Larawan: Professional Regulation Commission/FB

1,185 katao pumasa sa pharma board

April 25, 2024 People's Tonight 61 views

UMABOT sa 1,185 ang mga bagong pharmacist ng bansa matapos pumasa sa Pharmacists Licensure Examination ngayong Abril.

Ang mga miyembro ng Board of Medicine na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Anthony Aldrin Santiago, officer-in-charge; Dr. Mildred Oliveros at Dr. Adelina Royo, mga miyembro.

Pumalo sa 55.19 percent ang passing rate dahil sa 1,185 ang pumasa mula sa 2,147 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Rhedz-Wei Hadjula mula sa Unibersidad de Zamboanga, na nakakuha ng 92.85 percent.

Samantala, nanguna naman ang Mariano Marcos State University – Batac pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 96.88 percent — 62 mula sa 64 examinees ang pumasa.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1bbY-31XTzxbjWHfQKhtyDtaQWpx4rc4A/view.

AUTHOR PROFILE