Default Thumbnail

10 arestado sa P7M smuggled na petrolyo sa Tawi-Tawi

January 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 227 views

SAMPO katao ang naarestong mga awtoridad matapos na makumpiskahan ng smuggled na petrolyo na nagkakahalaga ng P7 milyon sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi nitong Sabado ng umaga.

Nakilala ang mga inaresto na sina Kashmeer Abao, 41, skipper; Sajid Hassan, 51, may-ari ng wooden-hulled vessel; Jimmy Pulahan, 48, vessel machinist o mechanic; Hadji Caesar Utuali, 65; Hadji Manuel Kesun, 64; Te Teteng Meran, 32; Gurano Japar, 42; Jamala Hussin, 18; Kolongan Nasilin, 52; at Raymond Abdul, 23.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ang insidente ay naganap dakong 3:30 a.m. sa Tandubas, Tawi-Tawi.

Ayon kay Col. Richard Verceles, operation chief ng Area Police Commang ng Western Mindanao, nakatanggap sila ng ulat na may paparating na shipment ng illegal na produktong petroyo sa lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa ng seaborne patrol operation.

Habang nagsasagawa ng operasyon ay namataan ng mga awtoridad ang ML Shairq, isang wooden-hulled vessel sa karagatan ng Tandubas.

Agad na ininspeksyon ng mga pulis ang bangka at nakita ang 590 drum ng iba’t ibang produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P7 milyon.

Ayon sa ulat, ang smuggled na produkto ay mula sa Malaysia at patungo sana sa Zamboanga City.

Wala umanong maipakitang dokumento ang mga suspect na makakapagpatunay ng legal ang pag-aangkat ng mga ito ng naturang produkto kung kaya’t sila ay inaresto.

Ang mga suspect ay dinala sa headquarters ng Police Maritime Group sa Bongap, Tawi-Tawi habang ang mga nakumpiskang kontrabado ay dinala sa tanggapan ng Bureau of Custom para sa kaukulang disposisyon.