Posas

10-anyos na bebot dedo sa 2 sasakyan

January 28, 2024 Jojo C. Magsombol 109 views

ARESTADO ang motorcycle rider at pinaghahanap pa ang ang driver na suspek sa pagkakasagasa sa batang babae sa C6 Road sa Brgy. Ang Sta. Ana, Taytay, Rizal, noong Biyernes.

Namatay ang isang 10-anyos na babae sa sagasa, ayon sa Taytay police.

Naaresto ang suspek na si alyas Walter, ng Block 13, Mapayapa St., Purok 2, Lupang Arienda, Brgy. Ang Sta. Ana, Taytay.

Ayon sa report, tumatawid ang bata sa pedestrian lane bandang alas-8:50 ng gabi nang mabundol ng asul na motor na Yamaha (9894-PG) na minamaneho ng suspek.

Humagis ang bata at bumagsak sa kalsada at nasagasaan pa ng hindi na-identify na sasakyan na tumakas papunta sa hindi malamang direksyon.

Isinugod ang bata sa Taytay Emergency Hospital subalit idineklarang dead-on- arrival ng attending physician na si Dr. Norelyn Mamalak.

AUTHOR PROFILE