Suspek SIYA ANG SALARIN–Positibong kinilala ng mga biktima ang isa sa suspek na nanutok at nangholdap sa kanila matapos na maaresto ng mga pulis ng Malate Police Station 9. Kuha ni Jon Jon Re

1 sa 3 holdap suspek huli sa Maynila

March 17, 2024 Jonjon Reyes 116 views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)- Malate Police Station 9 ang isa sa tatlong holdaper na nambiktima sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si alyas Adrian, 26.

Patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang kasama niya na sina alyas Oliver at alyas Sango.

Base sa salaysay ng mga biktimang hindi pinangalanan, biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang tatlo sabay tutok ng patalim.

Sapilitang inagaw ng tatlo ang Lacoste sling bag na may lamang Samsung Galaxy, wallet na naglalaman ng P8,000, driver’s license at Philtrust ATM.

Nagtungo sa himpilan ng pulis ang mga biktima at nagsumbong kaya nagsagawa ng follow up ang mga operatiba at tinungo ang nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang ginamit na patalim sa pangho-holdap.

AUTHOR PROFILE