Drugs IYAK–Ang dalawang naarestong suspek matapos ang buy bust ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operation Unit-National Capital Region sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Bebot, kelot na suspek sa droga tiklo

March 17, 2024 Jonjon Reyes 79 views

TIMBOG ang isang lalaki at babae na pinaghihinalaang sangkot sa kalakaran ng illegal na droga sa mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa Maynila noong Biyernes.

Sa pakikipag-koordinasyon ng PDEG at Special Operations Unit sa Manila Police District-Meisic Police Station 11, naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Celso, 36, at alyas Camille, 29.

Ikinasa ng mga operatiba ang buy bust sa Plaza Cervantes sa Binondo, Maynila laban sa mga suspek na umano’y responsable sa pagbebenta ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P170,000 na nakatakda sanang ibenta sa poseur- buyer.

AUTHOR PROFILE