Guess

Young actress nagrerebelde sa ubos-biyayang ina

March 6, 2024 Jun Nardo 102 views

NAKU, ubus-ubos biyaya na naman ang madir ng isang young actress dahil may bago na naman itong project sa TV, huh!

Matagal-tagal na rin sa showbiz ang young actress. Pero ang ipinagtataka ng mga kasabayang artista, parang wala pa rin itong naipupundar sa mga kinita niya.

Wala pa itong sariling bahay. Madalas pa rin siyang nakikisabay sa service ng production kapag may taping.

Alam ng mga kasama ng young actress na breadwinner siya. Pero may hangganan ang pagiging breadwinner lalo na nga kung nagbibida naman siya sa projects niya.

Ang dinig ng mga kaibigan, mukhang lumalaban na si young star sa madir niyang madalas kumuha ng pera niya, huh!

Anila, gusto naman ng aktres na makabili siya ng sasakyan na magagamit sa taping at iba pang mga lakad. Para magmukha naman siyang artista kapag nakikita sa public places.

So, malamang na magrebelde na si young actress dahil kanya naman ang perang kinikita niya. Hindi nga naman nakaka-artista ‘yung nakasakay siya sa service ng production kasabay ang iba pang talents, huh!

AUTHOR PROFILE