Yasmien Larawan: Yasmien Kurdi/IG

Yasmien, tuloy ang taping kahit buntis

November 22, 2023 Jun Nardo 172 views

BUNTIS sa kanyang second baby si Yasmien Kurdi sa asawa niyang si Rey Soldevilla.

Hindi agad inilabas si Yas ang magandang balita hanggang hindi pa siya sigurado.

Kaya naman nu’ng puwede nang sabihin, ipinagmalaki ni Yas ang ipinagbubuntis niya sa kanyang social media accounts na matataon ang paglabas sa Year of the Dragon.

Kahit buntis nagagawa pang mag-taping ni Yasmien sa GMA series niyang The Missing Husband.

EMIL AT ARNOLD, WALANG ISYU

OPISYAL nang winelkam ang veteran broadcast journalist na si Emil bilang co-anchor sa 24 Oras ng GMA.

Halos dalawang dekada na sa broadcasting si Emil at binansagan siyang “Action Man” dahil sa kanyang exclusive na coverage sa mga balitang swak sa manonood.

Ang pumanaw na journalist na si Mke Enriquez ang pinalitan ni Emil sa evening newscast ng Kapuso Network.

Ang kanyang dedikasyon at hard work ang naging daan upang maging co-achor siya nina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Eh, wala namang issue sa kanila ni Arnold Clavio na sa news program naman na Saksi anchor.

AUTHOR PROFILE