WHO

WHO ihahayag new vaccine vs killer COVID-19

June 5, 2021 People's Tonight 281 views

WHO solidarity trial isasagawa sa Pilipinas

IHAHAYAG sa susunod na dalawang linggo ng World Health Organization(WHO) ang bagong coronavirus disease-19 (COVID-19) vaccine na gagamitin para sa isasagawang solidarity trial sa Pilipinas.

Sa isinagawang pagdinig ng House committee on health sa pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, isang doktor, nagbigay ng update ang project leader na si Dr. Jodor Lim ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).

Ayon kay Lim, bumuo na ng team na magiging in-charge sa vaccine trial na una ay gagawin sa National Capital Region (NCR).

“We are developing our standard procedures, and the WHO will release in about two weeks’ time the identity of the vaccine that we will use for the trial,” paliwanag ni Lim kung saan ang ikalawang klase ng bakuna na gagamitin sa trial ay maaaring tukuyin ng WHO matapos naman ang isa o dalawang buwan.

Ang bakuna na gagamitin ay nasa “undergoing studies” stage pa lamang at hindi pa nabibigyan ng  emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Layunin ng gagawing WHO solidarity trial na i-evaluate ang bisa ng efficacy ng candidate vaccines sa mga RT-PCR confirmed at symptomatic cases ng COVID 19.

Ang participants sa nasabing solidarity trial ay mga 18 hanggang 60-anyos na hindi pa nababakunahan at nasa 15,000 participants ang kailangan.

Kabilang sa mga nakahanda nang laboratoryo para sa WHO solidarity trial ay ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH), UP-National Institutes of Health, Lung Center of the Philippines (LCP) at iba pa.

Sinabi ni Tan na hindi nangangahulugan na walang protective immune response ang kawalan ng antibodies sa isang bakunanag tao.

“I would like to call on the DOH and other concerned agencies to regulate health facilities offering serology testing among fully vaccinated adults,” ani Tan.

“This is to protect the integrity of the government’s vaccination program and promote vaccine confidence among Filipinos,” dagdag ni Tan.

B1 kinilalang best global practice vs COVID-19

Nauna rito pinuri at kinilala ang Bayanihan 1 to Heal As One Act bilang isa sa mga best practices na ipinatupad sa buong mundo upang labanan ang pandemyang COVID-19.

Sa isang ulat na ipinalabas noong nakaraang buwan ng International Budget Partnership or IBP, pinuri nito ang  PIlipinas sa pagsisikap na harapin ang pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1 partikular na ang lingguhang ulat upang masiguro na maipapatupad ng maayos ang mga programa sa COVID response.

Ang IBP ay isang independent watchdog na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo.

Sa report ng IBP napag alaman na apat na bansa lamang sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas ang mayroong sapat na level of accountability sa fiscal policy responses. Kabilang sa apat na  bansa na kinilala ng IBP ang Australia, Norway at Peru.

Ang Bayanihan 1 To Heal as One Act ay naisabatas sa ilalim ng panunungkulan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa  kauna-unahan at makasayasayang hybrid session ng kamara na dinaluhan ng mga kongresista sa loob ng plenary session at ng mayorya pa na mga miyembro ng kamara na nakilahok via Zoom. Ang Bayanihan 1 ay ang kauna-unahang economic recovery plan na ginawa ng administrasyong Duterte upang labanan ang delubyong dulot ng COVID-19.

Binigyang kapangyarihan ng Bayanihan 1 ang pamahalaan na mag-reallocate, mag-realign at mag-reprogram ng P275 bilyong pondo mula sa pambanang budget bilang tugon sa COVID-19.

Sa ilalim ng Bayanihan 1, naglaan din ng pondo para sa testing kits, medical supplies at pagtatayo ng mga quarantine facilities at isolation centers para sa mga COVID-19 patients.

Kasama ng Bayanihan 2 To Recover as One Act. Ang Bayanihan 1 ang nagsilbing armas ng gobyerno upang tugunan at labanan ang pandemya ng COVId-19.

AUTHOR PROFILE