Beaver

‘WHEN MAGIC HURTS’ MAY K-DRAMA FEELS

April 18, 2024 Ian F. Fariñas 88 views

NATUPAD ang wish ng showbiz newbie na si Beaver Magtalas na makapagpakilig at makapagpaiyak nang mainlab, kiligin at ma-touch ang mga nanood sa red carpet premiere ng debut movie niyang When Magic Hurts sa SM The Block kamakailan.

Katambal ni Beaver sa malakas maka-K-drama feels na proyekto ang kapwa-Star Magic artists na sina Maxine Trinidad at Mutya Orquia.

Sobrang feel-good ang When Magic Hurts at kilig-kiligan, lalo pa nga’t mahusay na na-capture ng direktor nitong si Gabby Ramos ang kalamigan at kagandahan ng mga flower farm sa Atok, Benguet.

Siyempre, sa premiere ay hindi naiwasang nerbyosin ni Beaver dahil nga malapit nang hatulan ang film debut niya na pinaghirapan nilang i-shoot sa gitna ng isang bagyo sa Benguet.

Aniya pa, bukas siya sa anumang kritisismo dahil alam niyang marami pa siyang dapat matutunan bago maging bihasa sa pag-arte.

Nang hingan ng reaksyon sa sinasabing siya na ang bagong Rico Yan at isa kina Maxine at Mutya ang susunod na Claudine Barretto (na kasama rin sa movie), sey ni Beaver, “I hope we deliver as much kilig and as much good acting as they did. Pero all of us are pretty determined to make a name for ourselves. (It’s) always flattering and thankful po to be ihalintulad po sa mga tao na ‘yon.”

Dumalo rin sa When Magic Hurts screening sina Angelica Jones, Dennis Padilla, atbp.

AUTHOR PROFILE