Revilla

Operasyon ’di makakaapekto sa muling pagtakbo ni Sen. Bong

April 18, 2024 Vinia Vivar 65 views

Natuloy ang operasyon sa paa ni Sen. Bong Revilla base sa kanyang latest update sa Facebook.

Matatandaan na sa kanyang FB rin unang ibinalita ng aktor/politiko na nagkaroon siya ng injury sa first shooting day ng comeback film niyang “Alyas Pogi 4” a few days ago.

Dahil sa bilis ng kanyang takbo ay napunit ang kanyang Achilles tendon at kinailangang sumailalim sa operasyon.

Sa video na ipinost ni Bong ngayong araw ay makikitang inihahatid siya ng kanyang pamilya sa operating room.

Naroroon, of course, ang asawa niyang si Congresswoman Lani Mercado, ang kanilang mga anak at kapatid na si Rowena.

“Papa, kaya mo ‘yan,” ang pagbibigay ng lakas ng loob ni Lani sa mister.

“Kayang-kaya ‘to,” paninigurado naman ni Sen. Bong. “I’m just disappointed dahil hindi ako makakapag-work out nang matagal,” dagdag niya.

He assured na okay naman siya pero nalulungkot lang dahil nakaplano na ang gagawin niya for the year.

Kabilang na nga rito ang pag-iikot niya sa buong bansa para sa kanyang kandidatura sa darating na eleksyon.

Pero sinigurado niya namang hindi ito makakaapekto sa kanyang pagtakbo.

“Pray for me,” sey pa niya. “Malayo sa bituka ito pero ‘yung healing time po ang medyo matagal.”

AUTHOR PROFILE