Default Thumbnail

Weekend Farmers Market sa Antipolo bukas na!

November 7, 2021 People's Tonight 211 views

SUPORTAHAN ang lokal na magsasaka!

Iyan ang panawagan ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, sabay hikayat sa mga Antipoleño at mga nakatira sa karatig lungsod maging sa Metro Manila na mamili sa Weekend Market na matatagpuan sa Sumulong Park ng Antipolo.

Nagsimula ito noon pang Nobyembre, at nagiging pangunahing source ng pagkain ng mga taga-Antipolo.

“Tayo na sa Antipolo! Tayo na sa Farmers’ Weekend Market! Taas-noong inihahandog ng ating mga lokal na magsasaka at Pamahalaang Lungsod ang ating yearly Farmers’ Weekend Market na ginaganap sa Sumulong Park, Antipolo City simula ngayong Nobyembre 2021 hanggang Pebrero 2022,” sinabi ni Mayora Andeng.

“Ang ating Farmers’ Weekend Market ay open ng 6 am to 8 pm tuwing Biyernes, Sabado at Linggo. Kasama sa mga produktong ibinibenta ang bigas, mais, ampalaya, sitaw, petchay, mustasa, saging, lettuce, okra, talbos, talong, kang kong, saluyot, dahon ng sibuyas, onion, kamatis, gabi, kalabasa, dalandan, lanzones, suja, guyabano, papaya, kamoteng kahoy, kalamansi atbp… na puro sariwa,” dagdag ni Mayora Andeng.

Paliwanag ni Mayora Andeng, bagong ani ang mga ibinebenta.

“Bilang supporta sa ating mga lokal na magsasaka at vendors, lahat ng mga produkto ay 100% tinanim at bagong ani sa Antipolo ng mga kapwa nating taga Antipolo. Ating supportahan ang mga lokal na magsasaka at vendors sa Farmers’ Weekend Market!,” sabi nito.

Nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa suporta na ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng Antipolo sa kanila.

AUTHOR PROFILE