Default Thumbnail

Vintage bomb nahukay sa estero sa Sampaloc

November 23, 2021 Francis Naguit 301 views

ISANG vintage bomb na pinaniniwalaang gamit noong World War Ii ang nahukay sa estero De Manila Lunes ng tanghali sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District-Explosive Ordnance Division (EOD) bandang 11a.m. nang mahukay ang vintage bomb sa Legarda
St.

Ayon sa salaysay ni John Rey Bragas, backhoe operator, nagsasagawa sila ng clearing operation sa malapit sa bandang likuran ng Ramon Bus Terminal sa nang mahukay ang naturang bomba.

Agad ipinagbigay alam Bragas ang insidente sa kanyang foreman na kawani ng DPWH at itinawag nila ito sa nakakasakop na presinto.

Dito na rumesponde sina P/ Cpl.Roldan Marcus ng MPD- EOD kasama ang ilang tauhan ng MPD-Station 4 at saka kinordon ang paligid.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang naturang bomba ay isang 105 Projectile Milimeter. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE