Vic

Vic at Pauleen tatlo ang ipinagdiriwang

November 9, 2023 Aster Amoyo 241 views

Vic1TATLONG mahahalagang okasyon ang ipinagdiwang ng mag-asawang Vic Sotto (69) at Pauleen Luna (35) sa buwang ito in Japan, ang kanilang 12th anniversary bilang couple, ang 6th birthday ng kanilang first child na si Tali last November 6 at ang 35th birthday ni Pauleen sa araw na ito ng Biyernes, November 10.

It was in December 2011 nang magsimulang magkaroon ng relasyon sina Vic at Pauleen na magkasama sa dati nilang noontime show, ang “Eat Bulaga.” Pero kinumpirma lamang ito ng TV host, actor-comedian at producer in 2013. Si Vic ay isa sa tatlong pioneer hosts ng nasabing noontime show along with Tito Sotto and Helen Gamboa habang si Pauleen ay unang naging kalahok sa isang segment ng programa, ang “Little Miss Philippines” when she was a kid and eventually became one of the Dabarkads.

September 2015 when the couple got engaged at ikinasal nung January 30, 2016 at isinilang naman ang kanilang unang supling na si Tali nung November 6, 2017. Ipinagbubuntis naman ngayon ni Pauleen ang kanilang second child and Vic’s 6th.

Samantala, hindi naman nakalimot si Pauleen na batiin sa kanyang IG account ang kanilang first born ni Vic na si Tali.

“Happiest 6th birthday to my firstborn, Tali. I cannot believe that it’s been 6 years because you make it so easy for us my love! We are blessed to have an obedient, kind, compassionate and funny child. Thank you for all the love you give us and may you grow to know what and who matters the most. May you know how much you are loved my little one! Always and forever (heart emoji) Mom and Dad.

P.S.

“We’re so excited for you to be an ate! You’ll do an awesome job for sure! (heart emoji).”

Nagbigay din ng mensahe si Pauleen sa kanyang mister na si Vic.

“12 years…my life partner, I am so blessed to have you in this gift called life. I LOVE YOU!”

Bago pinakasalan ni Vic sina Dina at Pauleen, he was also in a relationship with Chiqui Hollman, Coney Reyes, Angela Luz, Christine Jacob, Kristine Florendo, Pia Cabreira and Pia Guanio. Na-link din sila noon ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino na lahat nakatrabaho niya sa telebisyon at pelikula.

Janine muling lumagda sa ABS-CBN

JanineJanine1Janine2MULING lumagda ng panibagong kontrata sa ABS-CBN ang singer-actress-host na si Janine Gutierrez kamakailan lamang.

It was in 2021 nang lumipat ang panganay na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Gutierrez). On same year ay naging bahagi siya sa top-rating and long-running musical variety show ng Kapamilya network, ang “ASAP Natin `To” at nakagawa ng tatlong significant TV series, ang “Marry Me, Marry You” with her rumored boyfriend na si Paulo Avelino, ang “Sleep wih Me” on iWant TFC and her most recent TV project, ang”Dirty Linen” na isa sa mga naging primetime top rating shows.

Janine started her career sa bakuran ng GMA in 2011 up to 2019 bago siya lumipat sa ABS-CBN in 2021. She was previously in a relationship with actor-dancer-host na si Rayver Cruz na lumipat naman ng Kapuso Network from being a Kapamilya actor-dancer and is currently in a relationship with Kapuso prized talent na si Julie Ann San Jose.

Si Rayver ang first boyfriend ng pop superstar na si Sarah Geronimo na misis na ngayon ng Fil-Italian singer, actor, host and entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Heart isa nang Pinoy pride pagdating sa fashion

HeartHeart1MAITUTURING na Philippine pride ang Kapuso singer, actress, celebrity endorser, visual artist, fashion icon and entrepreneur na si Heart Evangelista, ang misis ni Sen. Chiz Escudero dahil patuloy siyang kumakatawan sa bansa sa iba’t ibang international fashion events particularly in the fashion capital in the world, ang Paris kung saan kilala at acknowledged siya ng iba’t ibang popular fashion brands as collaborator.

It was in 2018 when Heart was featured in Harper’s Bazaar fashion magazine, an American monthly women’s fashion magazine based in New York City, USA sa tulong ng kanyang kaibigang Singaporean author na si Kevin Kwan, ang author ng librong “Crazy Rich Asians” which was adapted into a movie nung 2018.

Inamin ni Heart na ang pagkakaibigan nila ni Kevin at pagkaka-feature sa kanya sa nasabing popular fashion magazine ay siyang nagbukas ng mas marami pang opportunities for her sa international fashion industry.

Si Heart ang nasa cover ng Vogue Philippines for November at hindi nakalimot si Kevin na mag-post ng mensahe para sa kanya bagay na pinasalamatan ng Filipina fashion icon.

Hindi man aktibo ngayon si Heart sa kanyang acting career, mas naka-focus ito ngayon sa kanyang career in fashion collaborations at ginagawa na lamang niyang parang Quiapo ang Paris at Pilipinas. Dahil dito, she got herself her own place in Paris at supportive sa aspetong ito ang kanyang politician husband na si Sen. Chiz who would accompany her to Paris whenever his schedule permits.

A multi-faceted artist, si Heart who is currently celebrating her 20th anniversary in showbiz ay kilala rin sa kanyang iba’t ibang charity works and advocacies.

GMA at ABS-CBN patuloy ang collaborations

DavidNEVER inakala ng publiko at mga televiewers ang pagiging magkasangga ngayon ng dalawang giant TV networks, ang GMA at ABS-CBN na nagsimula lamang nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network nung May 2020 and this paved the way for ABS-CBN to have tie-ups and colloborations with other TV networks including their previous arch-rival, ang GMA.

Ang top-rating ang long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” ay napapanood ngayon on free broadcast hindi lamang sa A2Z kundi sa GTV na sister TV network ng GMA. First TV collaboration naman ng dalawang giant TV networks ang magtatapos nang hit primetime TV series na “Unbreak My Heart” kung saan featured ang magkahalong stars ng both TV networks na sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia among others.

Madalas na ring mapanood sa noontime show na “It’s Showtime” ang mga stars and talents ng GMA.

Sa anniversary presentation ng “It’s Showtime,” ang “Magpasikat 2023” kung saan may kani-kanyang pasabog ang mga hosts and guests, naging guest judge sa nasabing segment ang Kapuso star na si Barbie Forteza at nagkaroon ng participation ang kanyang “Maging Sino Ka Man” TV series leading man na si David Limcauco sa team nina Karylle, Amy Perez, Mc Muah at Lassy Marquez na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nakakatuwang tingnan at panoorin na nagkakasama na ngayon in one show or frame ang mga talents ng dating magkatunggaling TV giants.

Kung meron mang positibong nangyari sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, ito ay ang pagbubukas na marami pang opportunities and collaboration hindi lamang sa pagitan ng ABS-CBN at GMA kundi maging ng ibang TV networks at nawala na sa kanilang bokabularyo ang `giyera’ sa kanilang pagitan for supremacy and ratings.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE