SWAT

Valenzuela magkakaron ng high-tech command center

February 17, 2024 Edd Reyes 571 views

IPINAGDIWANG ng Valenzuela ang ika-26 anibersaryo nito sa pamamagitan ng groundbreaking ng One Valenzuela Command Center sa Brgy. Paso de Blas.

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, magsisilbing satellite office ang itatayong apat na palapag na gusali ng Allied Local Emergency Response Team (ALERT).

Magkakaroon din ng pasilidad sa command center at ang Valenzuela City Command, Control and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station at radio tower.

Makakatulong ang command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.

Kasabay nito, ipinamahagi rin ng mayor ang mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.

May jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers at sirena, pati na ng 360-degree camera na may monitor ang SWAT vehicle.

Ambulansiya naman ang naipamahagi ng alkalde sa Brgy. Gen. T. de Leon bilang karagdagang sasakyan sa pagkakaloob ng serbisyo.

AUTHOR PROFILE