Unravel

‘Unravel’ ni Kylie, ikaka-proud ni Robin

April 4, 2023 Ian F. Fariñas 239 views

SIGURADO si Kylie Padilla na magiging proud sa kanya ang amang si Sen. Robin Padilla kapag napanood nito ang Unravel, ang Summer Metro Manila Film Festival entry ng MavX Productions kung saan katambal niya si Gerald Anderson sa kauna-unahang pagkakataon.

Bukod kasi sa husay ng pagganap na ipinakita ng Kapuso actress bilang si Lucy, isang Filipina executive na humaharap sa clinical depression, matapang din siyang nakipagsabayan kay Gerald sa pag-i-sky dive, canyon swing at iba pa.

Sey ni Kylie sa press screening/mediacon ng Unravel, “Actually, ever since nag-asawa po ako, hinayaan na niya ako sa buhay ko, eh! Hahaha!

But I think so. Proud naman si Papa anytime I do something na ganyan, medyo daredevilish. Kasi bata pa lang ako, doon siya natutuwa sa akin. So, for sure, ‘pag napanood niya ito, matutuwa siya.”

Kwento naman ni Gerald, 30,000 feet ang ini-sky dive nila ni Kylie at natural ang mga reaksyon nila sa pelikula dahil sinadyang kunan ito nang raw ni Direk RC de los Reyes.

Kitang-kita nga naman ang ganda ng scenery sa Switzerland kung saan sila nag-shoot, pati na ang area kung saan sila sumabak sa Canyon Swing.

Sa totoo lang daw, ilang araw ding inisip at pinuyat si Kylie ng gagawin nilang daring stunts, pero pag-landing nila sa ground at nang lapitan ng AD (assistant director), ang tanging nasabi ng aktres ay, “Ang ganda! Okay lang po ba ako mag-isa pa?”

Pagtatapat ni Kylie sa press, “I have a bad habit kasi na I need to be in control of everything talaga. So ‘yung feeling na kailangan kong mag-let go, ‘yung tatalon ka lang and let whatever happens, siyempre may fear of death. Baka mamaya atakehin ako sa puso, ganu’n! Pero wala naman. Actually, ‘yun ‘yung that’s what I put in my head para makapag-sky dive ako nang… ‘pag na-conquer ko ‘to, maku-conquer ko ‘yung anxiety ko, maku-conquer ko ‘yung whatever happens in the future. So ginamit ko siya rin as a catalyst for my life. ‘Yun po. Totoo nga naman.”

Mula sa panulat ni Senedy Que, ang Unravel ay isa sa walong official entries ng kauna-unahang SMMFF na magsisimula na sa Black Saturday, April 8, hanggang April 18.

AUTHOR PROFILE