Lanibong

Birthday gift ni Sen. Bong, tinanggihan ni Rep. Lani

April 4, 2023 Vinia Vivar 201 views

Nakakatuwa si Sen. Bong Revilla dahil pagkatapos ng kanyang matagumpay na gallbladder surgery ay humarap na agad siya sa entertainment press last Monday para ipaabot ang pasasalamat sa mga taong nagdasal para sa kanya.

Naoperahan si Sen. Bong noong March 27 at tinanggal ang kanyang gallbladder dahil infected ito at ‘pag hindi inalis ay baka maapektuhan pa ang kanyang liver.

Tatlong araw din siyang nanatili sa hospital at ngayon nga ay okay na siya.

Parang hindi nga siya naospital dahil masiglang-masigla ang senador at guwapung-guwapo pa rin.

Handang-handa na rin siyang sumabak sa kanyang bagong TV project sa GMA-7 na remake ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Secret pa raw kung sino ang magiging leading lady niya at hulaan na lang muna habang hindi pa ina-announce ng GMA-7.

Pero magsisimula na raw sila ng taping this end of April or first week of May dahil June na ang target airing nito.

Samantala, inupakan ni Sen. Bong ang Bureau of Immigration (BI) matapos itong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nga ay naiwan ng eroplano ang isang Pinoy na papuntang Israel dahil sa kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO).

Ito ‘yung nag-viral na video, na ayon sa kwento ng pasahero, ay hinihingi pa ng mga IO ang kanyang year book.

“Kawawa naman ‘yung ating mga OFW. That is so unfair. Tapos, pinag-iipunan nila ‘yung pamasahe nila, tapos pagdating du’n (sa airport), iba-block mo. That’s power-tripping,” saad ni Sen. Bong.

“Siguro naman ay medyo magisising na sila, na-call natin ‘yung attention nila. ‘Wag na nilang antaying ipatawag namin sila mismo sa Senado. Warning ‘yun,” dagdag niya.

Of course, kasama rin ni Sen. Bong na humarap sa media ang misis niyang si Bacoor Representative Lani Mercado who is celebrating her 55th birthday on April 13.

Sa kanyang kaarawan ay wala raw siyang ibang wish kundi puro pasasalamat lang sa lahat ng mga blessing.

Pero kung may wish man si Rep. Lani, ito raw ay good health para sa kanyang buong pamilya.

Saka, siyempre, mas maging healthy si Senator Bong kasi lately, medyo ang daming mga operasyon.

“Health for the whole family,” she said.

Natanong si Sen. Bong kung ano ang birthday gift niya sa misis at biro niya, “Ang aking katawan.”

Nang matanong naman si Rep. Lani kung ano ang gusto niyang gift from her husband, aniya ay quality time.

Ayaw na niya ng katawan ni Sen?

“’Wag na,” sambit niyang biro.

Sey naman ni Sen. Bong, “Ipamimigay mo na lang ang katawan ko?”

Sagot naman ni Rep. Lani, “Hindi kita ipamimigay, sorry sa kanila. I will not give you away, only for me. Only me.”

Tawanan.

Sa kanyang kaarawan ay marami raw silang handog para sa mga taga-Bacoor.

May free concert sa April 14 at dahil 55 na siya, mamimigay sila sa mga constituent nila ng 55 libreng pustiso, 55 wheelchairs, 55 hair makeover, 55 na tig-P2,000 at may iba’t ibang pa-contest pa.

AUTHOR PROFILE