Vice

Unkabogable Star sa planong surrogacy… Vice: Gusto ko na talaga, panahon lang ang kalaban ko!

May 31, 2023 Vinia Vivar 199 views

Early this year ay sinabi ni Vice Ganda na gusto na niyang magkaroon ng sariling anak via surrogacy tulad ng ginawa ng negosyanteng si Joel Cruz.

In fact, napabalita ngang humingi pa ng payo si Vice kay Joel tungkol dito.

Kaya marami ang nag-aabang sa latest development o update at kung nasimulan na ba ng Unkabogable Star ang proseso.

Sa Magandang Buhay episode last Tuesday kung saan ay guest si Vice at ang kanyang pamilya, nagbigay siya ng update tungkol dito.

Ayon kay Vice, hindi pa siya nakahahanap ng panahon para ituloy ang plano nila ng dyowang si Ion Perez na magkaroon ng anak.

“Gusto ko na talaga. ‘Yung panahon lang talaga ang kalaban ko. Nahihirapan akong maghanap ng panahon,” aniya.

“Mahabang proseso kasi siya, eh. Kailangan ko talagang maglaan ng panahon,” dagdag niya.

Natanong din ang ina ni Vice na si Nanay Rosario tungkol dito at mixed reactions ang kanyang nararamdaman.

“Excited na hindi excited kasi ang tanda na niya, eh. Matanda na ‘yung anak ko,” sey niya.

Sabi naman ni Vice, kaya nga nagtatagal tuloy dahil sa mga ganyang komento sa kanya hindi lang ng ina kundi pati na rin ng ibang tao.

“Sinasabi niya palagi ‘yon. Actually hindi lang siya. Marami akong kakilala, ‘ngayon pa ba ang tanda mo na?’ Actually kaya ako tumagal nang tumagal dahil sa ganyang komento.”

Pero paliwanag naman ni Nanay Rosario, “Kasi baka hindi ko na maalagaan, anak. Tulad ng mga apo ko na nu’ng bumalik ako, eh, hindi ko na naranasan magpalit ng diaper, hindi ko naranasan na magpaligo, which I regret talaga. Pero I have to choose kung ano ang dapat kong unahin. Eh, ngayon baka hindi ko na kaya mag-alaga.”

Katwiran naman ni Vice sa ina, “Unang-una hindi naman ako mag-aanak para may alagaan ka, mother.”

GRAND CHAMP

Itinanghal bilang grand champion ng The Clash 2023 ang Simpatikong Bokalista mula Caloocan City na si Rex Baculfo.

Nitong May 28 ipinalabas ang grand finals ng high-rating reality talent competition ng GMA Network.

Nakalaban ni Rex sa ultimate bakbakan ang finalists na sina Arabelle dela Cruz, Liana Castillo at Mariel Reyes.

Kinanta ni Rex sa “Matira ang Pinakamatibay” round ang Earth Song ni Michael Jackson.

Kasunod niyan, natira na lamang sila ni Arabelle sa final battle kung saan sila nag-perform ng kantang Oras Ko ‘To composed by Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista and arranged by The Clash musical director Marc Lopez.

Napili ng panel ang version ni Rex kaya siya ang nagwagi sa The Clash 2023.

Nag-uwi si Rex ng P1 million cash, exclusive contract sa GMA at brand new house and lot worth P3 million from Camella.

Nakatanggap naman ng tig-P100,000 cash ang finalists na sina Arabelle, Liana at Mariel.

AUTHOR PROFILE