Yask

Yasmien, game sa bagong baby

May 31, 2023 Jun Nardo 273 views

HANDANG-HANDA nang magpabuntis muli ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa pilotong mister na si Rey Soldevilla.

Lumalaki na rin naman ang panganay nila na tila nahihilig sa musika, ayon kay Yasmien nang mag-guest sa kinabibilangan naming podcast na Marites University.

Eh, dahil mahilig kumanta, binigyan ni Yas ng voice coach ang anak. And presto, nagwagi siya sa singing contest sa school, huh!

Kararating mula sa Dubai ni Yasmien para kunan doon ang ilang eksena sa ginagawang GMA series na The Missing Husband.

AUTHOR PROFILE