Default Thumbnail

‘Tuloy pa rin ang Pasko’

December 14, 2021 Jun I. Legaspi 362 views

NAKIPAGSANIB puwersa ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), sa Cignal TV, TV5, at iba pang MVP Group of Companies para sa muling pagdaos ng taunang “Tuloy Pa Rin Ang Pasko” Movement na may layung makapagbigay saya sa mga Pilipino ngayong darating na Pasko sa kabila ng mga dumarating na hamon sa buhay.

Sa nakalipas na taon, ang mga tsuper ng mga Dyip, ang national symbol ng Pilipinas, ay ang isa sa mga pinaka naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. Hanggang sa ngayon ay may mangilan-ngilan pa rin sakanila ang naiwang walang pangkabuhayan. Ngayong taon, napili ng MPT South na matulungan ng nabanggit na CSR activity ang mga tsuper at operator ng Paliparan-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (PABODA), na may ruta mula Dasmarinas, Cavite hanggang Paranaque, Metro Manila via Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Ang MPT South, sa tulong ng mga partners sa programang ito, ay nagpaabot ng 50 piraso ng Noche Buena packages sa 50 PABODA drivers at operators. Ang bawat pakete ay naglalaman ng Noche Buena staples tulad ng spaghetti, cheese, at fruit cocktail. May kasama rin itong mga canned goods.

“Ang Noche Buena ay naging simbolo na ng bawat Pilipino sa kasiyahan ang bagong pag-asa tuwing disperas ng Pasko. Sa munting regalong ito, aming hinihiling na sana’y kanilang madama at matamasa ang pagdiriwang ng Pasko habang sama-sama,” ani Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson and AVP for Communication and Stakeholder Management.

Noong 2020, nagsagawa rin ang MPT South ng ‘Drayberks’ road safety program, isang social advocacy ng toll road company para maisulong and road safety sa kahabaan ng expressway, sa mga drayber at operator ng PABODA bilang pagsuporta na rin sa kanilang pagbabalik operasyon.

Layun ng Tuloy Pa Rin Ang Pasko Movement ma magpaabot ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pabigay ng mga Noche Buena goods at iba pang essential items para mapasaya at maging maligaya ang pagdiwang sa Pasko. Ito ay proyekto ng MVP Group of Companies at foundations sa ilalim ng pamumuno ng chairman nito na si Mr. Manuel V. Pangilinan.

Ang MPTC ay ang pinakamalaking tollway builder at operator sa Pilipinas. Bukod sa CAVITEX, hawak din nito ang concession rights ng CAVITEX C5 Links, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), the Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), the NLEX Connector Road, and the Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) in Cebu.

AUTHOR PROFILE