Andi Larawan: Andi Eigenmann/IG

Tsugo na tsugog na sunbutting

April 17, 2024 People's Tonight 48 views

WOW na wow ngayon ang sexy mom at aktres na si Andi Eigenmann, matapos ito ibinida ang kanyang balik alindog na hubog sa kaniyang Instagram post.

Sa IG post, makikita ang dahilan kung bakit love na love siya ng kanyang asawang si Philmar at ng netizens.

Kitang-kita kasi ang walang kupas na ganda ni Andi kahit malayo na ito sa kanyang dating lifestyle at sa kanyang dating career.

Agaw pansin sa litrato na in-upload ng aktres ang kanyang hindi mawawalang kaseksihan at mala-Cardi B na wetpaks nito.

Aprub na aprub din sa kanyang mga kapatid ang fresh ay “tsugog na tsugog” na awra ni Andi.

“Ah sunbutting? Ay sunbathing pala,” pabirong komento ng kanyang kapatid na si Gabby na naloka sa pisngi ng siksik sa lamang wetpaks ni Andi.

Bumuhos naman ng komentong “ganda,” “sexy,” “wow,” at marami pang iba ang comment section ng nasabing post ng “Galema: Anak ni Zuma” star.

AUTHOR PROFILE