ShaUS

Tsikang naaksidente, dinenay ni Sharon

June 25, 2021 Ian F. Fariñas 336 views

NANGHINGI ng sorry si Sharon Cuneta sa in-upload na maikling video clip sa Instagram kahapon kung sakali mang nag-panic ang followers niya dahil sa tsismis na sila ay naaksidente sa Amerika.

Panimulang pahayag ng Megastar, “May tumawag sa amin dito, ’yung team ko po ay nagpa-panic dahil may balita daw po d’yan na kami ay naaksidente. I just want you to know, in case narinig n’yo po at kayo ay nag-alala, hindi po totoo ’yon. So please relax. ’Di ko po alam kung bakit may mga tao talagang wala po talagang magawang mabuti.”

Pagod lang daw siya at nasa hotel room na dahil sa dami ng ginawa. Pero diin ni Sharon, safe and sound sila ng kanyang mga kasama at inulit na “there’s no truth to the tsismis.”

Gaya ng maraming Pinoy, nakiisa rin ang Megastar sa pakikiramay sa pamilya Aquino sa pagyao ni dating Pangulong Noynoy.

Aniya, “Like far too many Filipinos, my heart weeps for this man who genuinely served his country… Thank you, Mr. President. I cannot even begin to type of my own experiences with you as we campaigned for your Presidency. But they shall remain in my heart and soul forever. Your sincerity, most of all…”

AUTHOR PROFILE