Makki

Makki, bet ang titulong ‘Queer of Soul’

June 25, 2021 Ian F. Fariñas 512 views

BET ng Tawag ng Tanghalan season 4 grand finalist na si Makki Lucino ang monicker na ibinigay ng management team niyang “Queer of Soul.”

Gaya ng titulo, gustong patunayan ni Makki na ang pagiging “queer” ay may positibo ring konotasyon.

Si Makki ang boses sa likod ng ballad na She Used to Be Mine, na napapakinggan na mula kahapon.

“Gusto naming maging paalala ito sa lahat na ’wag matakot sa pagbabago, na laging i-celebrate ang buhay at yakapin ang edad natin,” aniya.

Matatandaan na unang pinerform ni Makki ang kanta bilang contestant sa Tawag ng Tanghalan.

“Kinanta ko po siya bago makapasok ng top 6, ‘yung feedback po ay na-touch ‘yung mga tao, naiyak sila. ‘Yun po ‘yung maganda, na I was able to touch other people’s hearts,” pagbabalik-tanaw niya.

Ayon kay Makki, gusto niyang kumatawan sa LGBTQ+ community at magdala ng inspirasyon sa mga Pilipino gamit ang madamdamin niyang performances at mga ilalabas na kanta gaya nga ng bersyon niya ng She Used to Be Mine.

Isinulat at kinompose ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles para sa musical na Waitress, ipinaparamdam dito ang emosyon ng isang taong hindi na makilala ang dati at kasalukuyan niyang pagkatao, pati na ang pagtataka kung sino siya ngayon kung naiba ang kanyang sitwasyon.

Samantala, matapos ang Tawag ng Tanghalan, sumabak na rin sa livestreaming si Makki sa kumu, Queer of Soul, na napapanood Lunes at Wednesday sa SeenZone channel (@seenzonechannel), 6 p.m.

Ang rendisyon niya ng She Used to Be Mine ay available na sa iba’t ibang digital music streaming services.

AUTHOR PROFILE