krisnoy

Kris kay PNoy: God blessed me because we have made our peace

June 25, 2021 Vinia Vivar 675 views

krisnoy1krisHumarap si Kris Aquino sa media sa unang gabi ng pagyao ng kanyang kapatid na si former President Noynoy Aquino last Thursday.

She announced na na-cremate na si PNoy sa Heritage Park sa Taguig City.

Ngayong araw, Sabado, ang libing nito sa tabi ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Naging emosyonal si Kris habang nagbibigay ng panayam.

Aniya ay hindi nila ito inaasahang mangyayari at labis nila itong ikinagulat.

“Pasensiya na na hindi namin talaga ito inakalang mangyari. Nagulat talaga kaming lahat,” aniya.

Emosyonal ding ipinagtapat ni Kris na bago pa man pumanaw si PNoy ay ibinigay nito sa kanya ang pagpapatawad.

Matatandaang noon pa ay open naman si Kris sa estado ng relasyon niya sa kanyang nakatatandang kapatid na malimit niyang makatampuhan.

“I wish I could say more. The only thing I can say and this is the only thing I will say — God blessed me because we have made our peace. But that is private and I would like keep that for myself.

“But I’m so grateful na binigay ‘yun sa akin. At nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end, ang itinuring niya sa akin ay ako ‘yung kanyang bunso,” pahayag ni Kris na umiiyak.

Aniya, may pangako siyang binitiwan kay PNoy.

“Pinangako ko sa kaniya na gagawin ko ang lahat to just be even 1% of what he is as a man and as a Filipino,” she said.

Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng mga nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng kapatid kabilang na si Pres. Rodrigo Duterte.

AUTHOR PROFILE