Default Thumbnail

Trisikad driver arestado sa P7.5M sa Cebu

April 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 172 views

ARESTADO si Patrick Igoy, 33, high value individual na nasa listahan ng mga drug personalities sa Cebu Provincial Police Office, matapos makumpiskahan ng 2.1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7, 480,000 sa buy-bust operation sa Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu, 1 a.m. ng Sabado, ayon kay Police Lt.Col. Mark Lester Eteroza ng Provincial Intelligence Unit.

Sa record ng pulisya, si Igoy ay isang dating convict at sangkot sa ilegal na bentahan ng droga sa lalawigan. Siya ay nakakulong ngayon sa Cebu PPO at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 sa piskalya ng lalawigan.