Default Thumbnail

43 huli dahil sa illegal na sugal sa Laguna

April 9, 2023 Gil Aman 206 views

Kampo Heneral Paciano Rizal — Umabot sa 43 katao ang naaresto sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP na pinangunahan ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO sa tulong ng pamayanan at Barangay Intelligence Network (BINs) sa lalawigan.

Anim ang nahuli sa paglalro ng tong-its habang 37 ang naaresto dahil sa pagkasangkot sa ilegal na tupada. Nakumpiska ang tinatayang P 29,730 na pusta.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Philippine Presidential Decree No. 1602. (PD 1602). “Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa mga ilegal na pagsusugal ay paiigtingin pa upang matigil ang mga ganitong gawain. Binabalaan ko po ang ating mga kababayan na iwasan ang mga ilegal na pagsusugal dahil hindi po titigil ang inyong mga kapulisan sa buong lalawigan sa mga operasyong patungkol dito,” babala ni Silvio.

AUTHOR PROFILE