Default Thumbnail

Tragedy victims sa Abra, Cavite, Taguig may agarang ayuda mula sa DSWD alinsunod sa utos ni PBBM

July 27, 2022 Erwin Tulfo 897 views

TulfoLUBOS pong nakikiramay ang inyong abang lingkod sa mga naging biktima ng lindol sa Abra; sa nag-collapse na bridge sa Dasmariñas, Cavite; at nagsalpukang boats sa fluvial parade habang ipinagdiriwang ang Feast of Sta Ana at Taguig River Festival.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. makakatanggap ng agarang tulong ang mga biktima ng mga nasabing trahedya mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Kaagad nakipag-coordinate at kasalukuyan pa rin nakikipag-coordinate si PBBM sa DSWD at concerned local government units (LGUs), kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng mga lugar na tinamaan ng mga trahedya at mapanatag din ang kalooban ng mga biktima ng lindol sa Abra.

Sa kasalukuyan ay 24/7 na pong nakatutok ang inyong lingkod sa mga kaganapan at nakahanda nang ilipad ang mga relief assistance sa mga pinangyarihan ng trahedya.

Makakaasa po kayo na hindi natutulog ang gobyerno, partikular na po ang inyong Kalihim sa DSWD at ang nasabing ahensiya, sa mga pangangailangan ng mga mamamayan — lalo na ng mga biktima ng mga nasabing trahedya.

**********

Monthly subsidy bill sa mga PWD suportado ng maraming mambabatas

Maraming salamat po sa mga mambabatas na nagpahiwatig ng pagsuporta sa panukalang batas na isinusulong ng DSWD para sa buwanang cash assistance sa mga indigent persons with disability (DSWD) lalong lalo na yung nangangailangan ng buwanang maintenance medication.

Ang House Bill 1754 o ang “Act Providing Subsidy for Indigent Persons with Disability “ ay ipinanukala ng mga ACT-CIS Congressmen na sina Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano, gayun din sina Benguet Congressman Eric Yap, at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo.

Nangako na rin si Ormoc Rep. Richard Gomez, Quezon City 3rd District Cong. Franz Pumaren, at 4th District Rep. Marvin Rillo na susuportahan ang naturang batas para sa PWDs.

Nakipagkita rin sa inyong abang Kalihim kamakailan ang magkapatid na Congressman ng Cavite na si Jolo Revilla at Bryan Revilla ng Agimat Partylist para sabihin na tutulong sila para agad mapasa ang nasabing batas.

Hindi man kalakihan pero kahit papaano may pandagdag sa pambili ng gamot o mga personal pangangailangan, ng mga kababayan nating may kapansanan.

Maging sina Sens. Bong Revilla at Raffy Tulfo ay nagpahiwatig na rin ng pagsuporta sa nasabing panukalang batas kapag umakyat na ito sa Senado.

Mabuhay po kayo mga Cong. at Sen.!

At para sa mga kababayan nating nahaharap sa kagaganap lang na mga trahedya, nasa likod ninyo ang DSWD 200 percent.

Babangon tayong muli ASAP.

AUTHOR PROFILE