Dizon1 Sinisiyasat ni MPD chief Andre P. Dizon ang mga nakumpiskang mga frozen na karne at prutas sa isang raid sa Balut, Tondo sa Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

Tone-toneladang frozen na karne, prutas nasabat sa Tondo

June 20, 2023 Jonjon Reyes 409 views

SINALAKAY ng mga operatiba ang dalawang bodega ng naglalaman ng mga tone-toneladang frozen products gaya ng mga karne at prutas sa Tondo, Maynila Martes ng hapon.

Ayon sa impormasyong na ibinigay ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon, aabot sa 19 katao na pawang mga tauhan ng binabantayang bodega ang inaresto ng mga awtoridad.

Sa pangunguna ng tinaguriang “The Game Changer General,” kasama rin sa joint operation ang mga tauhan ng Veterinary Inspection Manila, Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG), Regional Investigation Division, NCRPO Ancar NCR na pinamumunuan ni NCRPO (National Capital Region Police Office) chief PMGen. Edgar Alan Okubo.

Nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na bodega ang mga frozen na karne at prutas sa Infanta Street, corner H. Lopez, Barangay Balut, Tondo, at kasalukuyang inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto.

Samantala, agad naman dinala sa himpilan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang mga naarestong mga indibidwal para disposisyon at imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE