Default Thumbnail

Taduran sa parangal kay Nora Aunor: It’s about time

June 13, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 614 views

NANINIWALA si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran na matagal nang dapat naibigay kay superstar Nora Aunor ang pagkilala bilang National Artist for Film.

“It’s about time,” ani Taduran makaraan ang ilang taong binabalewala sa nominasyon nito hangang sa mabigyang katuparan bago bumaba sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kabilang rin sa iba pang kasama sa Order of the National Artists (ONA) sina Marilou Diaz-Abaya para Film at Broadcasting/Broadcast Arts, Fides Cuyugan-Asensio para sa Music, Ricardo Lee and Gémino Abad para sa Literature, Tony Mabesa para sa Theater, Agnes Locsin para sa Dance at Salvacion Lim Higgins para sa Fashion.

Kapwa Bikolana katulad ni Aunor, sinabi ni Taduran na talagang napakahusay na alagad ng sining ng kanyang kababayan.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte na ang kapwa ko Iriganon ay binigyan na ng pagkilala bilang National Artist. Maraming beses na tayong binigyan ng karangalan ni Miss Aunor. Panahon na upang ibalik natin ito sa kanya. Ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa pag-arte at pagganap sa mga makubuluhang pelikula ay karapat-dapat na tularan,” ayon kay Taduran.

Si Aunor ang kauna-unahang babaeng aktor at direktor na kinilala bilang National Artist for Film and Broadcast.

Hindi lamang aktres si Aunor kung hindi mang-aawit, producer, director at talent manager din.

Siya ay nasa industriya ng pelikula at telebisyon simula pa noong 1967.

“I am thankful that President Duterte recognized Miss Aunor’s artistic accomplishments. She has put us in the map with her internationally-recognized films like Thy Womb and Himala. An exquisite treasure, she deserves this highest honor,” ani Taduran.

Bukod sa pagkilala bilang National Artist, makakatanggap din si Aunor ng gintong medalya mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, cash award, insurance, isang espesyal na lugar kapag mayroong mahalagang pagtitipon ang pamahalaan, at kapag siya ay nasawi, bibigyan ng isang state funeral sa tamang panahon.

AUTHOR PROFILE