Default Thumbnail

Suspek sa pananaksak, tiklo habang dala patalim

February 24, 2023 Gil Aman 275 views

HAWAK pa ng arestadong lalaki ang kutsilyong ginamit umano sa pananaksak sa kanyang nakaalitan diumano na nasawi dahil sa tama ng mga saksak sa katawan makaraang magtalo ang dalawa sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na dumating sa tanggapan ni P/Brigadier Gen. Jose Nemencio Nartatez, PRO 4-A Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) director, naaresto ang suspek at nasawi ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan.

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa United Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagtatalo ng dalawa dakong alas 10:30 ng gabi sa nasabing lugar sa gitna ng kanilang pag-uusap.

Ilang sandali pa, bigla na lamang bumunot ng kutsilyo ang suspek at saka mabilis na inundayan ng saksak ang biktima.

Ang pangyayari ay tumawag sa pansin ng mga barangay tanod na aktong inaresto ang suspek habang hawak pa nito ang patalim.

Agad dinala sa Calamba Police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE