Phivolcs

Davao Occ. niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

February 24, 2023 Jun I. Legaspi 303 views

NIYUGYOG ng 6.4 magnitude na lindol ang Davao Occidental, Biyernes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

Sa monitoring ng ahensiya, dakong 4:02 ng umaga nang maramdaman ang lindol at ang sentro ng lindol ay naitala sa may 365 kilometro ng timog silangan ng Saranggani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, umaabot naman ng 139 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at tectonic ang ugat ng lindol.

Naramdaman naman ang lindol sa lakas na Intensity II sa Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, wala naman inaasahang aftershocks at naitalang pinsala kaugnay ng naganap na lindol.

AUTHOR PROFILE