Default Thumbnail

SUICIDE SA DOLOMITE BEACH!

March 15, 2023 Jonjon Reyes 448 views

HINDI na nagawang maisalba pa ng mga manggagamot habang inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang isang hindi pa nakikilalang biktima, makaraan umanong tumalon sa Manila Bay sa Dolomite Beach Linggo ng umaga.

Pasado alas 3:24 ng madaling araw nang ideklarang wala nang buhay ni Dr.William Azarcon. attending physician ng Ospital ng maynila..

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, nitong nakalipas na Linggo ng umaga, Marso 12, bandang 10:30, nang makatanggap sila ng tawag mula sa nasabing pagamutan kaugnay sa isang lalaki na nalunod sa nasabing lugar.

Dito na rumesponde si Police Senior Master Sargent Boy Niño Baladjay, may hawak ng kaso, at agad itong nagtungo sa nasabing ospital.

Sa imbestigasyon ni Baladjay , nakapanayam pa nito ang taxi driver na sinakyan ng biktima.

Ayon sa taxi driver, naikuwento umano ng biktima na may problema ito sa asawa.

Pagsapit sa Dolomite Beach, bumaba ang biktima at pasigaw umano nitong sinabi na “Magpapakamatay ako,” sabay na dumayb sa Manila Bay.

Isang Remelyn Gonzales, na babaeng nakatalagang security guard ng Dolomite Beach ang humingi ng tulong at sa mismong sinakyan nitong taxi ang nagsugod sa naturang ospital

Gayunman, patuloy ang isinasagawa ng pulisya sa pagkakakilanlan sa biktima habang nasa pangangalaga pa ito ng Ospital ng Maynila.

AUTHOR PROFILE