Sta. Ana, Malate PS ikinasa 24/7 operasyon kontra droga

November 29, 2022 Jonjon Reyes 101 views

MATAGUMPAY na naaresto nitong Lunes ang mga pinaghihinalaang mga “tulak” ng shabu matapos ilatag ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station (PS) 6 at madaling araw ng Martes ng kapwa operatiba ng SDEU mula sa Malate PS 9.

Sa panulakan ng Crisolita at Sagrada Pamilya Streets sa San Andres Bukid ng 10:15 p.m. (Nobyembre 28), tatlong lalaking suspek ang nabitag sa buy-bust operation na pinangunahan ni Police Lieutenant Josephus Melpaz.

Narekober ang apat na plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng dalawang gramo.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Sta. Ana PS, bahagi ng pinaiiral na “Simultaneuos Anti-Criminality Law Enforcement Operation,” nang iutos nito sa kanyang mga tauhan na lipulin ang droga sa kanyang nasasakupan.

Madaling araw naman ng Martes (Nobyembre 29) nang matimbog ang target ng operasyon ng mga tauhan ng SDEU ng Malate PS 9 sa tatlong babaeng suspek na sangkot sa ilegal na droga sa Malate.

Ang operasyon ay batay sa direktiba ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol kay P/Lt. Renato Ramento at inaresto ang tatlo sa Adriatico St., sa tapat ng Rizal Memorial Stadium.

Nabawi ang limang plastic sachets ng shabu at marked money.

Naispatan naman ang umpukan ng mga kalalakihan sa Arellano at Zobel Roxas Sts., sa Malate habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang mga pulis-Malate at nahuli sa akto ang paglalaro ng “cara y cruz” ang mga suspek, ala-1 ng madaling araw.

AUTHOR PROFILE