Wanted na kelot naispatan sa Tondo, nasakote sa Leyte

November 29, 2022 Jonjon Reyes 115 views

DAHIL sa pinaigting na “Oplan Galugad” ng Manila Police District (MPD), nasundan ang isang wanted na suspek sa kasong “frustrated murder” matapos ito matunton sa kanyang pinagkukutaan sa Southern Leyte.

Batay sa ulat ni Police Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD Raxabago Police Station, naaresto ng kaniyang mga tauhan ang suspek nitong Nobyembre 25 sa bayan ng San Juan sa Southern Leyte.

Ang suspek ay nasapul sa CCTV (closed-circuit television) camera noong Setyembre ng nakaraang taon sa Barangay 101 sa Tondo na nanaksak ng isang lalaki na nagawa namang makaligtas sa kamatayan.

Ayon sa imbestigasyon, walang malinaw na motibo sa pananaksak ng suspek.

Natunton ang suspek sa Leyte nang may makapagbigay ng impormasyon sa pulisya.

Sinadya pa ng mga tauhan ni Ibay ang naturang probinsya para ihain ang warrant of arrest laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE