Default Thumbnail

Sri Lankan natagpuang dedo sa San Andres

February 3, 2023 Jonjon Reyes 200 views

HINIHINALANG “depresyon” ang nagtulak umano para magpakamatay ang isang 70-anyos na Sri Lankan, nang madiskubre itong sisinghap-singhap sa kanyang tinutuluyang kuwarto sa San Andres, Bukid Sta. Ana, Maynila umaga nitong Biyernes.

Ang biktima, tubong Sri Lanka, at nanunuluyan sa panulukan ng Rubi at Sagrada Familia Streets sa San Andres.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nakatanggap sila ng tawag mula sa MPD Sta. Ana Police Station (PS) 6 sa naturang insidente ng bandang 8:10 pasado dahil sa pagkamatay ng biktima.

Agad na kinordon ang paligid ng silid saka itinawag sa MPD Headquarters upang imbestigahan.

Rumesponde naman si Det. Zolio Nazario, may hawak ng kaso, at ayon sa testigong kasamahan sa bahay ng biktima ay wala naman daw itong sinabing karamdaman umano.

Gayunman, nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na “nalulugi” ang Sri Lankan sa kanyang negosyong pautang na “5-6”.

Sasailalim sa awtopsiya ang biktima at patuloy ang imbestigasyon kung may foul play sa naturang insidente.

AUTHOR PROFILE