Default Thumbnail

Spa sa Sta Mesa ninakawan, suspek tiklo

May 21, 2023 Jonjon Reyes 252 views

NAARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) – Sta. Mesa Police Station 8 ang suspek sa nawakwan sa isang spa sa Cubao, lungsod ng Quezon.

Nakilala ang suspek na si John Loyd Santiago, 22, binata, residente ng Barangay Payatas, Quezon City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dionell Brannon, Station Commander, bandang 6p.m. ng Sabado nang matimbog ang suspek na dinala sa V Mapa Police Community Precinct # 3 .

Nauna rito,dumulog ang isang tubong Tacloban City ang umano’y nakawan na naganap spa na matatagpuan sa panulukan ng V Mapa at Guadalcanal sa Sta.Mesa.

Naaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Corporal Tristan Dennis Penetrante at Patrolman Dominic Relos, kapwa nakatalaga sa PCP 3 sa V.Mapa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o pagnanakaw ang suspek.

Pinuri ni MPD Director Police Brig.General Andre P. Dizon ang Sta Mesa Police Station 8 sa pamumuno ni PLT. Col.Dionell Brannon dahil sa agarang pagresolba sa nasabing insidente.

AUTHOR PROFILE