PIPPA

SONA 2023 ni PBBM sinuportahan ng Philippine Independent Power Producers Association, Inc.

July 27, 2023 People's Tonight 293 views

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine Independent Power Producers Association, Inc. (PIPPA) sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na iprayoridad ang enerhiya, mga polisiya, at programa na idineklara nit0 noong nakaraang taon.

Nangako ang mga generator na miyembro ng PIPPA ng kanilang suporta sa idineklara ng Pangulo na pabibilisin ang pagsasakatuparan ng layunin ng green energy, at ang pagtulak ng mas maraming gas exploration sa national scale.

“We also welcome the ongoing performance review of the National Grid Corporation, and look forward to working with NGCP as a critical partner not only of the generation sector, but together with the distribution sector, for the achievement of a truly unified grid that will be adequate, open, responsive and non-discriminatory,” batay sa inilabas na statement ng PIPPA.

Ayon sa PIPPA, sinasamantala nila ang ang pagkakataong ito upang pahalagahan ang walang humpay na pagsisikap ng Department of Energy (DOE) nag-unlock ng ilang mga bottleneck, ginagawang posible hindi lamang ang may mga bagong power plant, at ang 126 kontrata ng renewable energy na may kabuuang kapasidad na 31,000 megawatts.

“In line with this, we look forward to working in earnest with the DOE for the purpose of achieving long-term and strategic energy security that will not only look at new power generating capacities, but one that will also help ensure that the capacities that we presently have that are already clean, reliable and affordable, are fully utilized and enabled to continue providing for both national development and consumer welfare,” ayon pa sa PIPPA.

Patuloy umanong makikipagtulungan ang PIPPA sa kanilang policy makers at regulators upang matiyak na maisam ang energy transition sa mga mekanismo sa umiiral na industry players. “We likewise request the support of DOE and ERC as we undertake efforts and commit significant investments in the field of new technologies and/or fuel sources, such as energy storage, LNG, hydrogen, ammonia, and a lot of other possibilities,” dagdag pa sa pahayag ng PIPPA.

AUTHOR PROFILE