NTC

NTC: SIM card registration wala nang extension

July 27, 2023 People's Tonight 982 views

INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC) na umabot sa 105.9 milyon ang nakapag-parehistro ng SIM card sa pagtatapos ng deadline nitong July 24, at wala na itong extension.

Ayon sa NTC, ang nasabing bilang ay nasa loob ng target na nasa pagitan ng 100 milyon hanggang 110 milyong nakarehistrong SIM. Sa 105.9 milyong matagumpay na SIM Registration, ang Smart nakarehistro ng 50.0 milyon, ang Globe ay may 48.4 milyon at DITO ay may 7.5 milyon.

Muling iginiit ng NTC sa publiko na wala na huling araw na ang pagpaparehistro noong July 24 at wala na silang binigay na extension. Matatandaang pinalawig ang orihinal na deadline ng Abril 26, ng 90 araw, gaya ng pinapayagan sa ilalim ng SIM Registration Act, upang bigyan ng pagkakataon ang milyun-milyong user na mayroon pa ring mga hindi rehistradong SIM, para magparehistro.

Giit ng NTC, ang hindi pagrehistro ng mga SIM bago ang 11:59 ng gabi (i.e., Philippine Standard Time) ng Hulyo 25 ay magreresulta sa pag-deactivate ng mga serbisyo ng telekomunikasyon at mobile data kabilang ang pag-access sa social media, maliban sa layunin na muling ma-activate ang mga hindi rehistradong SIM hanggang Hulyo 30 lamang.

Ang access sa online banking at iba pang financial online transaction ay dapat ding i-deactivate. Pagsapit ng Hulyo 31, ang lahat ng hindi rehistradong SIM ay permanenteng made-deactivate at hindi na maaaring muling i-activate o iparehistro.

AUTHOR PROFILE