Lea SM scholar alumna Lea Pedarse ay May 2023 CPALE Top 9.

SM Scholar Alumna, isa sa mga nanguna sa CPA board exam

June 16, 2023 People's Tonight 197 views
Lea1
Lea kasama ang kapwa SM scholars

DAAN-DAANG mga estudyanteng Pilipino ang nag-aaral ng husto upang makamit ang tagumpay. Ngunit para sa mga kabataang nagmula sa mga pamilyang may pinansyal na limitasyon, kinakailangan ng karagdagang diskarte at pagiging praktikal upang makamit ang kanilang mga kanilang mga pangarap.

Ipinakita ni SM Foundation scholar-alumna Lea Pedarse ang mga katangiang ito matapos niyang magtagumpay sa katatapos lang na Licensure Examination para sa Certified Public Accountants (CPALE), kung saan siya’y pumasok bilang top nine.

Ayon kay Lea, natanggal ang pasanin ng gastusin niya edukasyon dahil sa SM Foundation. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong mag-focus sa kanyang pag-aaral. Bukod sa tulong pinansyal, nagbigyan din siya ng inspirasyon na patuloy na lumaban sa hamon ng buhay sa tulong ng mga enrichment activities na inoorganisa ng foundation.

Sa pamamagitan rin ng SM Foundation, natutunan ni Lea na ang posible sa pamamagitan ng sipag at panalangin. Sa likod ng mga hindi inaasahang pangyayari na naghadlang sa kanya na sumali sa CPALE noong Oktubre 2022, minabuti niyang ng mas magpursige at sanayan pa lalo ang sarili sa sistematikong pag-aaral, bigyang prayoridad ang kanyang pisikal na kalusugan, at pagtibayin ang positibong pag-iisip.

Ang matiyagang pagsisikap ng alumna ay nagbunga nang siya ay matagumpay na pumasa sa CPALE, at naging ika-9 sa mahigit 7,000 na kumuha ng pagsusulit.

Sa patuloy na pag-abante sa larangan ng kanyang propesyon, balak ni Lea na simulan ang kanyang karera sa pampublikong praktis, lalo na sa larangan ng audit. Siya ay nagnanais na mas lalo pang malinang ang kanyang mga kasanayan at kaalaman sa larangang ito.

Ang kanyang layunin ay magpatuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at mapaunlad ang kanyang karera. Puno ng pasasalamat sa tulong na natanggap, nais niyang magkaroon ng positibong epekto sa buhay ng ibang tao, katulad ng naging epekto sa kanya ng SM Foundation.

AUTHOR PROFILE