Alodia

Sikat na vlogger inunahan sa pagpapakasal ang ex-boyfriend

February 17, 2023 Aster Amoyo 629 views

Alodia1Alodia2Alodia3Alodia4IT was on November 14, 2021 when cosplayer, gamer, vlogger and entrepreneur Alodia Gosiengfiao announced on her Facebook page her break-up with her former boyfriend, Fil-Am vlogger, celebrity endorser, actor and ex-PBB housemate Wil Dasovich (of Irish and Canadian descent). Months later in April 2022, Wil was seen dating American-born Fil-Am actress na si Carla Humphries who has relocated in the US during the pandemic.

Si Carla ay personal nang ipinakilala ni Wil sa kanyang parents and elder sister na si Haley na isa ring vlogger.

Marami rin ang ginulat ng ex-girlfriend ni Wil na si Alodia nang mag-share ito ng picture kasama ang American-educated Filipino businessman na si Christopher Quimbo na kuha sa isang cave in El Nido, Palawan noong April 2022. Three months later, nag-propose si Christopher kay Alodia in July 2022 which she shared in her vlog on July 23, 2022 sa 34th birthday mismo ng young businessman.

Nitong nakaraang Valentine’s Day, February 14, 2023, ang dalawa ay ikinasal sa isang grand wedding na ginanap sa ballroom ng Manila Marriott Hotel in Pasay City which was transformed into a garden-like wedding ng kilalang events stylist and designer na si Gideon Hermosa.

Si Christopher ay isang kilalang young businessman na president and general manager ng Calabria Company Ltd. na gumagawa and distributor ng Novellino Wines.

Christopher met Alodia in one of their group dates with friends.

Ngayong nag-asawa na si Alodia, kelan naman kaya susunod ang kanyang ex-boyfriend na si Wil at present girlfriend na si Carla Humphries?

Ryza mas naging abala sa Viva

BAHAGI ang dating Struckstruck Season 2 Ultimate Survivor (female) ng GMA na si Ryza Cenon ng bagong action-drama series na pinagbibidahan ng actor-director at co-producer na si Coco Martin, ang “FPJ’s Bagong Quiapo”na nagsimulang mapanood nung nakaraang Lunes, February 13.

Kung matatandaan pa, si Ryza ay isang taon ding nagging parte ng longest-running action-drama series sa telebisyon, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon at nagtapos nung August 12, 2021.

Pagkatapos ng reality talent search na Starstruck Season 2, si Ryza ay naging isa sa build-up contract stars ng GMA Artists Center sa loob ng 15 taon. Nung April 15, 2018 ay lumipat siya sa Viva kung saan ay Malaya siyang nakakapagtrabaho with ABS-CBN, TV5 and even with GMA kung may pagkakataon.

Ang kanyang first TV project sa Viva at sa bakuran ng ABS-CBN ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano” nung 2018-2019 na agad nasundan ng “The General’s Daughter” na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Ang kanyang third TV project sa bakuran ng ABS-CBN ay ang “A Soldier’s Heart” at nagkaroon din siya ng action TV series sa TV5, ang “Bella Bandida” in 2020.

It was in July 2020 nang ibahagi ng aktres sa kanyang social media account that she was pregnant with her first baby courtesy of her photographer partner na si Miguel Antonio Cruz. And on October 31, 2020 ay isinilang ang kanilang baby boy na si Night, now 2 years old.

Malaking bagay kay Ryza ang kanyang pagbabalik sa telebisyon dahil kasama siyang muli sa bagong TV series ni Coco na inaasahang gagawa na naman ng bagong kasaysayan sa larangan ng telebisyon.

Samantala, Ryza made an impact bilang `la primera contravida’ nang gawin niya ang hit afternoon TV series ng GMA, ang “Ika-6 Na Utos” opposite Gabby Concepcion and Sunshine Dizon in 2016 na tumagal sa ere ng halos dalawang taon.

Magandang relasyon ni Prince Harry sa royal family mahirap ibalik

PrincePrince1Prince2Prince3Prince4Prince5MALABO na sigurong maibalik sa dati ang magandang relasyon ni Prince Harry, Duke of Sussex sa kanyang amang si King Charles III at sa kanyang nakatatandang kapatid na si William, Prince of Wales and next to throne of their father matapos ang explosive interview ng veteran talk show host na si Ophrah Winfrey sa mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, Duchess of Sussex in March 2020 na sinundan ng mas eksplosibong hot-sellter `Spare’ book ni Prince Harry na kamakailan lamang lumabas kung saan ibinulgar lahat ng Duke of Sussex ang maraming kaganapan sa loob ng British Royal Family (which should be a top secret) maging ang kanilang personal na away ni Prince William.

It was in March 2020 nang mag-desisyon ang mag-asawang Prince Harry at Meghan na bumaba sa kanilang royal duties sa British Royal Family and live independently on their own sa kanilang California home in America.

The couple bought a huge house in Montecito, California na nagkakahalaga ng $14.65M at doon na sila nakatira kasama ang kanilang dalawang anak na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor (turning 4 on May 16) at Lilibet Diana Mountbatten-Windsor (turning 2 on June 4).

Ang mag-asawa ay parehong hands-on parents sa kanilang dalawang anak. Dahil malawak ang kanilang garden, may time ang mag-amang Prince Harry at Archie na mag-biking at maglaro kasama si Lilibet.

Samantala, malaking katanungan kung dadalo sina Prince Harry at Meghan sa coronation kay King Charles III sa darating na May 6, 2023 na gaganapin sa Westminster Abbey Cathedral na pamamahalaan ng Archbishop of Canterbury na si Justin Welby na siyang nagkasal kina Prince Harry at Meghan nung May 18, 2018 sa St. George’s Chapel in Windsor Castle. Although pinadalhan ang royal couple ng imbitasyon to the coronation out of 2,000 plus guests, hindi umano dadalo ang mag-asawa dahil tiyak umano na magiging lukewarm ang treatment sa kanila sakaling um-attend sila. Pero malayo pa ang May 6 at puwede pang magbago ang desisyon nina Prince Harry at Meghan.

Si Archbishop Justin Welby ang inatasan ni King Charles III na siyang mamagitan para maayos ang `gusot’ sa pagitan ng royal family at Prince Harry.

Si William, Prince of Wales, ang susunod na magiging hari after King Charles III at pang-apat pa si Prince Harry dahil mauuna ang tatlong anak nina Prince William at Duchess of Cambridge na si Kate Middleton na sina George, Prince of Wales; Charlotte, Princess of Wales at ang Prince of Cambridge na si Louis kaya malabo nang umabot pa ang korona sa Duke of Sussex.

Gayunpaman, hindi ikinakaila ng mag-asawang Prince Harry at Meghan na sobra umano nilang ini-enjoy ang kanilang private life kasama ang dalawa nilang anak sa Amerika.

In the meantime, nakaabang ang marami kung dadalo ba o hindi sina Prince Harry at Meghan sa coronation day ni King Charles III sa darating na May 6, 2023.

OctoArts abala muli sa live concerts at pelikula

IBINALITA sa amin ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na ibabalik umano nila ang pagpu-produce ng mga live concerts featuring foreign artists bukod pa sa muling pagpu-produce ng pelikula.

Although hindi pa dini-disclose ni Boss Orly ang mga unang foreign acts na kanilang dadalhin sa Pilipinas, sinabi nito sa amin na meron na umano silang naka-line-up for June and August this year. At kung hindi kami nagkakamali mga Korean K-pop groups ang una nilang dadalhin sa Pilipinas dahil sa kanilang strong following sa ating bansa.

Sa pelikula, may mga naka-line na rin umano silang proyekto at first project for this year (which was shot last year) ang pelikulang “Without You,” isang romance drama movie na pinagbidahan nina David Licauco at Shaira Diaz na dinirek ni RC de los Reyes.

Pagkatapos ng bakasyon ni Barbie Forteza sa Amerika ay sisimulan na ang filming ng movie nila ni David na sa Vienna, Austria pa kukunan.

Ang tambalan nina Barbie at David ay pumutok dahil sa seryeng “Maria Clara at Ibarra” which has been extended for another week.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE