Sharon

Sharon pasok na sa ‘Ang Probinsyano,’ John Lloyd pumirma sa GMA7

November 9, 2021 Aster Amoyo 790 views

Sharon1TULAD ng aming naibalita kahapon sa aming column, pormal na sinalubong ang megastar na si Sharon Cuneta ng lead actor, creative director at isa sa mga director ng top-rating and longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin kasama ang ilang executives ng TV network na sina Cory Vidanes, (COO of Broadcast), Laurenti Dyogi (TV production and Star Magic head) at Deo Endrinal (Dreamscape Entertainment head) last Tuesday, November 9.

Although hindi pa nire-reveal ang magiging papel ni Shawie sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” excited na ito maging bahagi ng number one TV series sa bansa, her first TV series sa Kapamilya network.

Ang formal welcome kay Sharon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at natapat din sa pormal na pagtanggap ng GMA sa dating Kapamilya prized actor na si John Lloyd Cruz na nakatakdang gumawa ng sitcom sa nasabing istasyon.

Dalawang major events of two major stars sa dalawang major TV networks on the same day na tiyak na aabangan ng mga manonood.

JayJay1Buhay ni Jay parang kuwento sa pelikula

STREAMING ngayong Friday, November 12 sa Vivamax ang sexy-drama-thriller movie na “Mahjong Nights” kung saan tampok na mga bituin ang nagbabalik-pelikula na si Jay Manalo, Sean de Guzman at Angeli Khang kasama sina Liz Alindogan, Mickey Ferriols, Arnel Ignacio, Maricel Morales at iba pa mula sa direksiyon ng award-winning director na si Lawrence Fajardo under Viva Films. Sa araw ding ito ng Biyernes at 12:00 noon ay matutunghayan naman ang aming exclusive na panayam kay Jay sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” kung san niya ibabahagi ang kanyang life story mula nang siya’y isilang sa Vietnam to a Filipino musician father and Vietnamese mother hanggang sa siya’y dalhin sa Pilipinas kung saan siya dumanas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Jay was six years old nang magkahiwalay ang kanyang parents. In Olongapo, nag-asawa ng isang US navy serviceman and kanyang ina hanggang lumipat sila ng Amerika. Since parating nasa ibang bansa ang kanyang ama bilang isang band member, naiwan siya sa kalinga ng kanyang stepmom at dinala sa Laguna kung saan naman umano siya sinasaktan ng kapatid ng kanyang stepmom. Siya’y nagpalipat-lipat ng lugar sa kanyang paglaki, naglayas ng tatlong beses without the care ng magulang. Growing up ay nagpalipat-lipat siya ng lugar tulad ng Olongapo, Tondo, Aranque, Laguna, Bulacan at Cainta. Dumaan sa iba’t ibang odd jobs since he was a kid tulad ng pamumulot ng mga plastic, ng mga nahuhulog na coins sa matataong lugar, pagtitinda ng sigarilyo o `takatak boy’, diyaryo, kalapati, pagiging helper at kung anu-ano pa. There were times na natutulog umano siya sa isang stall in Aranque Market kung saan siya nagbebenta ng mga kalapati at helper ng ibang stall owner.

May isang pamilya in Bulacan na umampon sa kanya at siya’y pinag-aral at natapos niya ang high school. He was also enrolled in a Marine school pero hindi umano niya ito tinapos dahil wala roon ang kanyang puso. He enrolled in other courses tulad ng management at tourism pero hindi umano ito ang gusto niya kaya hindi rin siya nakatapos. He was one semester to go ay magtatapos na siya ng criminology dahil gusto niyang maging police. Pero siya’y na-discourage nang malaman niyang hindi siya tatanggapin bilang pulis dahil sa rami niyang tattoo sa katawan. Namasukan siyang service crew ng isang kilalang fast-food chain at naging miyemro rin siya ng isang basketball team ng isa pang kilalang fast-food chain.

Since he was a kid ay mahilig na sa basketball si Jay at dumating ang panahon na naging passion niya ito.

Sa tulong ng isang talent scout, nag-VTR siya sa isang TV commercial at sumali sa “Man of the Year” ng SM at siya’y nanalo. Kinuha rin siyang image model ng isang local clothing brand and eventually ay napasok na niya ang showbiz.

Jay was in his teens nang pumasok siya sa showbiz in 1994 when he was signed up by Viva Films. Unang pelikula niya ang action movie na “Brat Pack” na sinundan ng Paracale Gang” at “Urban Rangers”. Mula sa paggawa ng mga action movies ay nag-shift ang actor sa sexy movies na kanyang sinimulan sa pelikulang “Gayuma” na pinagtambalan nila ni Amanda Page, isa sa mga sexy star noon ng Viva. Ang kanyang solo launching movie bilang sexy actor ay ang “Totoy Mula” which made him one the top sexy actors during his time. Ito’y nasundan ng iba pang sexy films tulad ng “Kool Ka Lang,” “Kaliwa’t Kanan, Sakit ng Katawan,” “Bayad Puri,” “Bawal Na Halik,’ “Balahibong Pusa” with Joyce Jimenez, “Gayuma,” ‘Prosti” with Aubrey Miles na dinirek ni Erik Matti, “Huling Birhen sa Lupa,” na dinirek ni Joel Lamangan at tinampukan din nina Ara Mina, Maui Taylor at Elizabeth Oropesa at “Hubog” with Assunta and Alessandra de Rossi na dinirek ni Joel Lamangan. After doing sexy movies, sumubok naman siya sa ibang genre tulad ng comedy at fantasy tulad ng “I Will Survive,’ “Ako Legal Wife,” “Gagamboy,” “Feng Shui” at “Shake, Rattle & Roll 13”. Nakagawa rin siya ng ilang soap operas under ABS-CBN and GMA tulad ng “Mula sa Puso,” “Pangako sa `Yo,” “Vietnam Rose” with Maricel Soriano,” ‘Bakekang” at iba pa. Naging bahagi rin si Jay ng top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Nung isang taon ay ginawa niya ang “Anak ni Waray vs Anak ni Biday” sa GMA at may bago siyang movie under Viva, ang “Hugas” kung saan niya mga kabituin sina AJ Raval, Sean de Guzman, Bob Jbeili, Cara Gonzales mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr.

Jay admits na meron siyang 12 anak sa anim na magkakaibang babae. Pito sa iba at lima sa kanyang wife na si Raizza na kanyang pinakasalan in 2001.

“Lahat naman ng mga past girlfriends ko at ina ng mga anak ko ay minahal ko rin,” pag-amin ng hunk actor.

Tatlo ang naging anak ni Jay nung wala pa siya sa showbiz habang ang apat ay nasa showbiz na siya. But when he decided to settle down ay doon lamang umano siya naging dedicated husband at ama sa limang anak.

Although may pitong anak sa iba si Jay, hindi ito naging problema sa kanyang misis na si Raizza na maganda ang relasyon sa mga ito.

“Dun ko lalo hinangaan ang misis ko,” ani Jay.

Kahit may sarili nang pamilya si Jay gayundin ang mga ina ng kanyang pitong anak, nanatili siyang close sa mga ito maging sa kanilang mga mister na nakakalaro pa umano niya sa basketball. Ang tanging hiling lamang ni Jay sa mga ina ng kanyang mga anak na ipahiram sa kanya ang mga bata pagdating ng kanyang kaarawan (January 30).

“Gusto ko kumpleto ang 12 anak ko on my birthday,” diin ng actor.

Pero pagdating ng Christmas at New Year ay option na ng kanyang mga anak to spend the holiday season with him and his family.

“I don’t want to impose on them pagdating ng Pasko at Bagong Taon. Basta tuwing birthday ko, gusto ko kumpleto sila,”kuwento pa ng actor.

Although may mga anak si Jay na gustong mag-showbiz, siya na raw mismo ang humaharang dahil gusto niyang magsipagtapos ang mga ito ng pag-aaral.

“Ang kanilang edukasyon ang gusto kong ipamana sa kanila,” susog pa ni Jay.

“Ayokong maranasan ng mga anak ko ang pinagdaanan ko sa buhay,” aniya.

Ang buhay ni Jay ay pang MMK o di kaya pang “Magpakainlanman” na kapupulutan ng araw.

“Kung anuman ako ngayon at kung anuman ang narating ko, natuto akong tumayo sa sarili kong pagsisikap at naging matatag ako dahil na rin sa mga pinagdaanang hirap ko noong bata pa ako,” pagtatapos ng actor.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE