Darryl

Direk Darryl, naiskandalo sa nagkalat na boobs ng mga baguhan sa ‘Pornstar 2’ set

November 9, 2021 Ian F. Fariñas 298 views

BRUTAL. Prangka. Matapang. Kontrobersyal. ’Yan ang impression ng publiko sa tinaguriang “pandemic director” ng Viva na si Darryl Yap. Kaya nakakaaliw ang kwento niya sa online mediacon ng Pornstar 2 (Pangalawang Putok) na ikinawindang niya ang nagkalat na boobs ng apat na baguhang ipinakikilala sa set ng pelikula.

Ang apat na newbies sa Pornstar 2 na tuturuang magpaseksi ng legends na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor ay sina Ayanna Misola, Sab Aggabao, Cara Gonzales at Stephanie Raz.

Reklamo ni Direk Darryl, “Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set ’yan, nakikita ko ’yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap ’yung kalooban ko.

“Nagrereklamo ako kay Boss Vic (del Rosario, Viva big boss), sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’

“Sabi ko sa kanila, ‘Magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘Kasi, Direk, kapag tatakpan pa, itatakbo pa ’yung robe.’”

Umamin naman si Ayanna sa “krimen.”

Paliwanag ng showbiz newbie, “Ayaw na naming isuot ’yung robe kasi pagpunta namin sa set, tatanggalin din naman. Same lang naman ’yung mga tao na makakakita.”

Naka-upload na ang official trailer ng Pornstar 2 sa YouTube at social media accounts ng Viva at Vincentiments at kasalukuyang pinag-uusapan ng mga netizen.

Sa December 3 naman ito magsisimulang mapanood sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE