Default Thumbnail

Shabu suspek nahuli sa Laguna

July 21, 2023 Gil Aman 210 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal –Nalambat ang isang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation ng Calauan PNP noong Hulyo 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-in-Charge ng Laguna PPO ang suspek na si ‘Alyas Paul,’ ng Bay, Laguna.

Nahuli si Alyas Paul dakong 2:46 ng hapon sa Bgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Nakuha sa kanya ang 5 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang na 3 gramo at nagkakahalaga ng P20,700, isang calibre 45 na baril, isang compressor, dalawang magazine at mga bala, motorsiklo, backpack, cellular phone at P420.00.

AUTHOR PROFILE