Default Thumbnail

Welder kumawat ng P.5M, tiklo

July 21, 2023 Steve A. Gosuico 209 views

CABANATUAN CITY–Nasakote ng pulisya ang isang magnanakaw na umano’y nanloob sa kanyang kapitbahay ng P300,000 halaga ng mga laptop computer at mobile phone at P200,000 cash sa siyudad na ito Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Nueva Ecija police head Col. Richard V. Caballero ang nadakip na suspek na si Mark Aguilar, 42, welder, ng Block 3, Lot 12, Tierracon Homes, Bgy. Bangad, Cabanatuan City.

Papatakas na sana ang suspek sa kanyang bahay nang mamataan ng mga nagpapatrolyang pulis at miyembro ng Barangay patrol action team dakong alas-3 ng madaling araw noong Biyernes.

Ayon sa report, nanenok ng suspek ang may kalahating milyong assorted valuables at P200,000 cash kay Nilda Gozo, 57, ng Block 4, Lot 13, ng Tierracon Homes, Bgy. Bangad.

Nalaman lang ng biktima ang pagnanakaw nang dumating mula sa isang out of town trip noong hapon ng Linggo, ayon sa pulis.

Inihahanda na ngayon ng Cabanatuan city police ang mga kasong isasampa laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE