Default Thumbnail

Drug suspek huli sa P353k shabu

July 21, 2023 Steve A. Gosuico 209 views

GAPAN CITY — Nasakote ng pulisya ang isang umano’y big-time drug trafficker na nakuhanan ng mahigit P353,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Miyerkules ng gabi dito.

Kinilala ni City police head Lt. Col. Wilmar M. Binag ang naaresto na si alyas Jonjon, 45, driver, ng Hormel Heritage, Bgy. Longos, Malolos, Bulacan.

Naaresto ang suspek nang magsagawa ng drug sting ang mga undercover na operatiba sa pamumuno ni Captain Adonis D. Tagud sa Bgy. San Vicente alas-9:20 ng gabi.

Sinabi ni Binag na gumamit ang kanyang mga tauhan ng tunay na P1,000 bill at isa pang 10 piraso ng P1,000 boodle money sa nasabing drug deal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha rin mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 52 gramo at may tinatayang halaga na P353,600.

AUTHOR PROFILE