Default Thumbnail

Lalaki na may 6 rape cases, nalambat

July 21, 2023 Gil Aman 104 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Nalambat ng mga pulis ang isang wanted sa panghahalay na nasa listahan din ng Most Wanted Persons sa Calabarzon sa manhunt operation noong Hulyo 19, 2023 sa Calamba City.

Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-in-Charge, Laguna PPO, ang nahuli na si ‘Alyas Jimmy,’ ng Calamba City, Laguna.

Wanted ang suspek dahil sa anim na kaso ng panghahalay.

Naaresto si ‘Alyas Jimmy’ bandang 5:50 ng hapon sa Bgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ave A Zubito-Alba ng Branch 8 sa Calamba City, Laguna.

AUTHOR PROFILE