Allan

Sec. Pangandaman sa UN International Women’s Month

March 15, 2024 Allan L. Encarnacion 97 views

NAKAKA-PROUD makita ang ating Budget Secretary na si Amenah Pangandaman na katawanin ang mga Pinay sa United Nations Commission on the Status of Women sa New York City, USA.

Ang buwan ng Marso ay International Women’s Month kaya sa buong mundo ay may kanya-kanyang okasyon at mga pagkilos ang iba’t ibang bansa para bigyang-diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa buhay nating lahat.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Secretary Mina na masigla at agresibo ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagsuporta sa mga programa at proyektong magsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan.

Bilang lider ng delegasyon ng bansa, binigyang-diin ng kalihim sa 68th annual CSW na dapat mas maging malakas ang tinig ng mga kababaihan sa anumang aspeto ng kanilang buhay.

Ang CSW ay isang global intergovernmental body na ekslusibong nakatutok sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng anumang kasarian at pagtiyak na nabibigyan ng importansiya ang lakas at sektor ng mga kababaihan sa buong mundo.

Ayon kay Sec. Pangandaman, malaki ang pagpapahalaga ng Philippine government sa mga kababaihan hindi lamang ito sa salita bagkus ay sa actual ng pagpapatibay ng Magna Carta for Women, isang batas na nagpoprotekta sa diskriminasyon laban sa mga kababaihan, paglalaan ng limang porsiyento ng pondo ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagsuporta ng Gender Equality and Women’s Empowerment magmula pa noong 1995.

“We continue to strengthen our institutions and social protection programs to address women’s poverty. Our Pantawid Pamilyang Pilipino Program, a conditional cash transfer program with a budget that has exponentially increased from US$5.37 million in 2008 to US$1.9 billion this 2024, has benefitted 4.4 million Filipino households. Cash grants are given directly to mothers of eligible households, increasing their ability to invest in the well-being of their families, thereby improving the survival, health, and access to education of their children,” sabi pa ni. Sec Pangandaman

Congratulations kay Secretary Pangandaman sa kanyang misyon para maging kinatawan ng mga kababaihan sa ating bansa sa napakalaking event na ito sa Amerika.

[email protected]