Micaella Larawan mula sa IG/Micaella Raz

‘Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo’

April 25, 2024 People's Tonight 56 views

HUMARUROT ang rumaragasang karisma ng Vivamax actress na si Micaella Raz sa kalsada ng pantasya ng mga barako ng social media hanggang sumalpok ito sa nagngangalit nilang mga “kambyo.”

Sa latest Instagram post ng sexy star, nag-ala kotse siya na game na game masakyan.

Isang promotional picture para sa kanyang papalabas na pelikula ang ibinida ng hot actress.

Humirit pa nga siya sa caption ng kanyang post matapos ilahad ang patikim na linya ng kanyang karakter na si Gina.

“Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo,” sey ni Micaella sa caption.

Tampok siya sa new Vivamax film na pinamagatang “Red Flag” sa direksyon ni Lakambini Morales.

Makikita si Micaella sa larawan na todo-awra habang labas ang kalahati ng katawan sa bintana ng isang kotse.

Tagos sa windshield ang sumisirit na sex appeal ng Vivamax actress sa suot niyang red two-piece bikini.

Matatanaw sa side mirror ang katakam-takam na kurba at kakinisan ni Micaella.

Kaya nga kaabang-abang para sa mga tagasuporta ng bebot ang pasabog na performance niya sa ipapalabas na proyekto.

Nakilala si Micaella sa kanyang pagganap sa mga palabas kabilang na ang Sabel Is Still Young (2022), Boso Dos (2023) at Virgin Forest (2022).

AUTHOR PROFILE